Binata, patay matapos saksakin ng nakasagutan sa Sto. Tomas, Batangas

Dead on arrival ang isang 20 anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang nakasagutan sa Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas.

Kinilala ng Sto. Tomas City Police Station (CPS) ang biktima na si Jerico Platon habang ang suspek ay si Gerald Estrañero, 22 anyos, tubong Bocaue, Bulacan at kapwa residente ng Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas dyes y medya noong nakaraang Martes ng may isang grupo ng kalalakihan sa kahabaan ng daan sa Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas ang nagkaroon ng maiinit na usapan na nahantong sa suntukan at pananaksak ng suspek.

Bumulagta ang biktima matapos itong masaksak habang ang suspek naman ay tumakbo patungo barangay hall ng nasabing lugar para boluntaryong sumuko.

Naisugod pa ang biktima sa Saint Frances Cabrini Medical Center ngunit kaagad itong idineklarang dead on arrival.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kutsilyo na may habang 12 pulgada.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang naturang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *