Binata patay matapos sumemplang ang sinasakyang motor sa sagingan

Hindi na umabot pa ng buhay ang isang binata matapos bumangga ang minamaneho niyang single motorcycle sa sagingan na matatagpuan sa bahagi ng Brgy. Anao, Roxas, Isabela kaninang madaling araw, ika-17 ng Enero.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ito na si Mac Jerald Olog, 21-anyos, walang asawa, bagger at residente ng Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, ala-una ng madaling araw ng naganap ang insidente kung saan ang tinatahak ng nasawi ang Anao-Quiling road.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, nawalan ito ng kontrol sa kaniyang motor dahilan para sumemplang ito sa nabanggit na lugar.

Isinugod pa sa pagamutan si Olog subalit binawian na rin ito ng buhay dahil sa natamo nitong pinsala sa kaniyang ulo at iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *