Binata, sinaksak dahil sa utang sa Camarines Sur

CAMARINES SUR-  Nagtamo ng malalang sugat ang isang binata sa Tigaon, Camarines Sur matapos na saksakin ng kaibigan dahil sa hindi pa nababayarang utang.

Kinilala ang biktima na si “Dante”, 28 anyos at ang suspek na si Rico na parehong residente ng parehong bayan. Ayon sa imbestigasyon ng Tigaon Municipal Police Station, natutulog ang biktima sa duyan sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lamang sumugod ang suspek at sinaksak ito sa likod. Bago pa ang insidente, nagkaroon na ng pag-uusap ang dalawa tungkol sa P200.00 na utang na hindi pa nababayaran ng biktima sa suspek.

Nadala naman agad sa Tigaon Primary Hospital ang biktima at ngayon ay nagpapagaling na habang ang suspek ay patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *