Binata, tiklo sa buy-bust operation sa lunsod ng Ligao, Albay

LEGAZPI CITY – Humihimas na ngayon sa rehas ang isang lalaki matapos matiklo sa isinagawang buy-bust operation sa P-7, Brgy. Binatagan, lunsod ng Ligao.

Kinilala ang suspek na si Raymart Pedrocillo Garcia, 28-anyos at residente ng Brgy. Calzada, bayan ng Oas, Albay .

Ayon sa report ng pulisya, nagsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang Ligao CPS kasama ang PDEA RO5 laban sa suspek.

Pinagbentahan nito ang isang poseur buyer ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P500 bilang buy-bust money.

Narekober din sa kanya ang tatlong pirasong sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 1 gramo na nagkakahalagang P6, 800.

Ang suspek ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *