Binatang suporter ng npa, nagbalik-loob sa pamahalaan

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang suporter ng New People’s Army kasabay ng pagsuko rin nito ng kanyang armas sa Lasam, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team sa Cagayan Police Provincial Office, isinuko rin ni alyas Dindo ang kaniyang armas na caliber revolver at dalawang piraso ng rifle grenade.

Salaysay ni alyas Dindo, taong 2018 nang mayroong mga miyembro ng NPA ang bumisita sa kanilang tahanan at nakumbinsing sumama ito sa kanila dahil pinangakuan umano siyang aangat ang buhay ng kanilang pamilya.

Ang operasyon aniya ng kanilang grupo ay sa bulubunduking bahagi ng Sto. Niño, Lasam, Cagayan at Flora, Apayao kung saan siya ang nagsilbi bilang tagapaghatid ng pagkain.

Naging matagumpay ang pagbabalik-loob nito sa pamahalaan sa pamamagitan ng isinagawang operasyon ng Lasam Police Station at 3rd Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *