Binatilyo, arestado sa pagnanakaw ng baka

Himas rehas ngayon ang isang binatilyo matapos na maaresto dahil sa pagnanakaw umano ng alagang baka sa Brgy. Poblacion 7, San Jose, Occidental Mindoro.

Kinilala ng San Jose Municipal Police Station ang suspek na si Romel Barrios 19-anyos at residente ng naturang lugar.

Ayon sa report, inireklamo ito ng may-ari ng baka na kanyang ninakaw.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Presidential Decree 533 o Theft (2 counts) ay naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng mga otoridad.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na mahaharap sa kasong pagnanakaw at may rekomendang piyansa na Php72,000 bawat isang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *