Binay – tinanggap na ang apology ni Sen. Padilla hinggil sa IV drip session

Tinanggap na ni Senate Committee on Ethics and Privileges, Chairperson, Senadora Nancy Binay ang paghingi ng paumanhin ni Senador Robin Padilla para sa kanyang maybahay na si Mariel Padilla.

Ito ay matapos umani ng iba’t ibang reaksyon ang naging dripping session nito sa loob mismo ng kanyang opisina.

Ayon sa liham na ipinadala ngayon ni Binay kay Padilla, batid niya ang pagsusumamo nito matapos ang nasabing insidente at nauunawaan niya ito.

Samantala, pinaalalahan din niya ito na sana’y maging aral na ito kay Padilla upang umiwas sa anumang kapintasan bilang kinatawan at halal ng taumbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *