BIR hinimok ang mga taxpayer na maghain ng maaga ng income tax returns

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na mag- file at magbayad ng income tax returns bago o sa April 15 para maiwasan ang penalty.

Tulad ng dati ay may nakatalagang Tax Assistance Center ang BIR sa mall at ilang business establishment tulad sa SM City Daet na matatagpuan sa second floor,  Houseware Plaza Supermarket at LCC sa Labo.

Ayon sa BIR- RDO 64 magpapatuloy ang serbisyo ng mga tax assistance centers sa April 15 maliban Linggo.

May nakatalagang mga tauhan ang BIR sa mga nabanggit na center upang umalalay sa mga taxpayer sa paghahain ng kanilang ITR.

Hinimok rin ng ahensiya ang mga taxpayer na gamitin ang kanilang E- services upang hindi kailanganing pumunta sa kanilang opisina.

Ang taxpayer na required na gumamit ng Electronic Filing and Payment System (eFPS) ay kailangang mag- file ng kanilang AITRs electronically at magbayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng eFPS-Authorized Agent Banks (AABs) kung saan sila naka- enroll.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *