BIR inilatag ang tungkol sa increase sa zonal valuation ng real properties sa ginawang public hearing

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng public hearing kaugnay sa 3rd at 4th revision ng zonal valuation ng real properties sa lalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng Revenue District Office No 64 noong nakaraang linggo.

Dito ay ipinaliwanag ni BIR OIC- Assistant Regional Director Shirley Calapatia, Chairperson ng Technical Committee on Real Property Valuation (TCRPV)  kung bakit mayroong increase sa zonal valuation.

Aniya, kapwa magbebenepisyo ang bansa at ang publiko sa pag increase ng zonal valuation dahil magkakaroon ng pagtaas sa revenue ng gobyerno na magagamit naman sa infrastructure projects, healthcare services, education at marami pang iba.

Sumentro ang pagtalakay sa proposed 4th revision ng zonal valuation ng Real Properties sa mga bayan ng Basud, Daet, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay.

Third revision naman ng zonal valuation ng Real Properties sa mga bayan ng Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena at Vinzons.

Alinsunod ito sa probisyon ng Revenue Memorandum Order No 31- 2019 na nagtatakda ng guidelines at procedures sa revision ng zonal valuation ng real properties.

Paliwanag ni Calapatia na nagkakaroon ng increase sa zonal valuation kada tatlong taon.

Kaya umano mayroong public hearing dahil kailangang maging patas ng BIR sa taxpayers at sa gobyerno at para makolekta ang tamang buwis.

Dumalo sa public hearing ang mga kinatawan mula sa Provincial at Municipal Assessors, real estate brokers, appraisers at developer.

Ginanap ito sa isang restaurant dito sa bayan ng Daet. Mayroong sampung araw ang mga stakeholder para magsumite ng komento kalakip ang mga kinakailangang dokumento sa tanggapan ng BIR- RDO 64.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *