BIR muling nagpaalala kaugnay sa mas pinalawig na deadline ng availment period ng estate tax amnesty

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan  muli ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga mayroon pang hindi nababayarang estate Tax na i-avail na ang pinalawig na estate tax amnesty.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon magpapatuloy ang programa hanggang Hunyo 2025.

Matatandaan na  nag- lapse into law Agosto noong nakaraang taon ang Republic Act No. 11956 o ang Estate Tax Amnesty Extension Act.

Unang ipinatupad ang programa bago pa magkaroon ng pandemya  sa ilalim ng Tax Amnesty Law of 2019, na ilang beses ding pinalawig at  nag-expire na noong Hunyo 14, 2023.

Sa ilalim ng umiiral batas na nagpapalawig sa amnestiya aypinalawig rin ang saklaw nito kung saan sakop na rin ang mga ari-arian ng mga indibidwal na pumanaw bago ang May 31, 2022, kahit wala pang naiisyung assessment.

Pwede na ring mag-file at magbayad online ng Estate Tax Amnesty Return (ETAR) ang executor o administrator, mga heirs o tagapagmana epektibo simula noong June 15, 2023 hanggang June 14, 2025.

Papayagan rin ang installment payment sa loob ng dalawang taon mula sa statutory date ng bayad.

Kabilang  sa mandatory requirements sa pagproseso ng aplikasyon para sa estate tax amnesty ay ang certified true copy of the Death Certificate, Taxpayer Identification Number (TIN) ng decedent at heirs, at government-issued

Umapela rin si De Leon na gamitin ang kanilang online platform upang maiwasan ang siksikan sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *