BIR nasa transition period na patungo sa full digitalization

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nasa transition period na ito patungo sa full digitalization mula sa kasalukuyang manual.

Isa ito sa mga natalakay sa ginawang  Year- end adjustment seminar and other tax update na kung saan naging panauhin si BIR Regional Director Atty. V.C. Cadangen na ginanap kahapon sa atrium ng isang mall dito sa Daet.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay RD Cadangen sinabi nitong mahalaga ang ganitong aktibidad para ma- update ang mga taxpayer at mapaigting ang voluntary compliance.

Importante umano ito upang hindi makalimot ang mga taxpayer lalo na kapag may bagong hire na accountant na hindi pa alam ang mga umiiral na polisiya.

Isa rin umano sa nais ipaalam ng BIR sa taxpayers ang kanilang electronic services na hindi na kakailanganing magtungo sa kanilang opisina.

Isa rin sa mga electronic services na ipinapakilala ngayon ng BIR ay ang Electronic Certificate Authorizing Registration (eCAR).

Gayunman nilinaw ng opisyal na may option pa rin naman ang mga taxpayer kung nais ng mga ito ang manual transaction.

Sabi naman ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon kailangan talagang tanggapin na ang direksyon ng ahensiya ay papunta na sa digitalization.

Layon din umano ng ginawang year- end adjustment na makiusap sa mga taxpayer na tulungan silang maabot ang kanilang goal. Mababatid na nasa P500 milyon pa ang kailangang bunuin ng Revenue District Officer 64 bagao matapos itong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *