BIR nilinaw na wala silang deadline sa pagtanggap ng mga isusumiteng SOCE ng mga kumandidato sa BSKE

CAMARINES NORTE – Nilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Biyernes, November 24, na wala silang ibinibigay na deadline sa pagtanggap ng mga isusumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong nakaraang buwan.

Tugon ito ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon nang matanong ng Brigada News FM Daet ukol dito.

Ilan kasi sa mga naghain ng SOCE sa BIR kahapon ay nagulat dahil pinapatawan umano sila ng penalty gayung hanggang sa November 29 pa naman ng taong kasalukuyan ang deadline nito.

Paglilinaw naman ni De Leon na tumatanggap sila ng kopya ng SOCE na duly received ng Comelec.

Pero kung mayroong ideneklarang gastos ay mayroon na talaga itong penalty dahil ang withholding tax ‘incurred for the month’ ay nagdu- due date sa ikasampu ng susunod na buwan.

Ibig sabihin, kung ang petsa ng pagagastos ay Oktubre ay noon pang November 10 ang due date nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *