BIR-Parañaque, hinimok ang taxpayers na gamitin ang kanilang e-Services

Hinihikayat ng Bureau of Internal Revenue District Office 52 sa Parañaque City na gamitin ng mga taxpayers ang kanilang electronic facilities sa paghain ng tax returns at pagbayad ng buwis.

Ayon kay Revenue District Officer Arnel Cosinas, isa sa mga benepisyo nito ay hindi na nito kailangang pumila pa ng kayhaba haba.

Dagdag pa ng opisyal, wala na ring human intervention kaya’t maiiwasan na ang mga human errors sa kanilang data.

Aniya, maaring bayaran ang mga buwis sa iba’t ibang BIR accredited banks sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *