National

BIR, pumayag na mapalawig ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa lockdown areas

Pumayag ang Bureau of Internal Revenue na palawigin ng 15 calendar days ang paghahain ng returns at pagbabayad ng buwis sa mga lugar na isinailalim sa dalawang linggong enhanced community quarantine at modified ECQ na nagsimula ngayong araw.

Sa isang memorandum circular, ay sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na kinikilala ng ahensya ang pangangailangan na mapahaba ang cutoff dahil sa quarantine restrictions.

Dagdag niya, makakatulong ang pagpapalawig ng deadline sa efforts ng mga otoridad sa pag-contain sa COVID-19, lalo na sa mas nakahahawang Delta variant.

Sinabi ni Dulay na papayagan rin ng BIR ang karagdagang 15 days extension kung sakaling magdesisyon ang mga otoridad na palawigin ang kasalukuyang quarantine classification.

Sa kabila ng pinalawig na deadline ay maari naman i-settle ng mga taxpayers ang kanilang revenue dues sa mga authorized agent banks (AABs).

Pwede rin magbayad ng tax due sa mga concerned revenue collection officers sa pinakamalapit na Revenue District Office.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago