Biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Camarines Norte pansamantalang sinuspinde ng Coast Guard

CAMARINES NORTE- Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Camarines Norte epektibo nitong Linggo, May 28 dahil sa gale warning advisory na na inisyu ng Pagasa.

Batay sa Notice to Mariners ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Camarines Norte Coast Guard Acting Station Commander, pansamantalang suspendido ang biyaye ng mga sasakyang pandagat na 250 GT pababa bilang proactive measure upang maiwasan ang maritime incidents.

Alinsunod naman ito sa Memorandum Circular na naglalaman ng Guidelines on Movement of Motorboats/Vessels kapag walang weather bulletin sa isang lokalidad.

Ayon sa Pagasa stong to gale force winds ang nakakapaekto sa northern at eastern seaboards ng Luzon kasama na ang Camarines Norte.

Muling papayagan ang paglayag kapag nagkaroon na ng improvement sa weather at sea condition sa mga nabanggit na lugar.

Mababatid na simula pa noong weekend ay itinago na ng mga mangingisda sa lalalawigan ang kanilang mga bangka sa ligtas na lugar bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Betty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *