Biyaheng Naga-Legazpi vice versa ng tren, asahan na ngayong Disyembre 2023

NAGA CITY – Asahan na partikular sa Disyembre 25, taong kasuluyan, ang biyaheng Naga to Legazpi; at Legazpi to Naga, matapos magcommit ang Philippine National Railways sa Lokal na Pamahalaan ng Naga.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay City Councilor, Joe Perez, Chairman of Committee on Tourism at Culture and the Arts, matapos ang naging pagpupulong nila sa naturang ahensya, naayos na kasi ang problema sa tulay sa may parteng Guinobatan, Albay na daanan ng tren, kaya malaki ang posibilidad na matuloy ngayong taon ang biyahe.

Maliban pa riyan, may posibilidad ding maibalik na ang biyahe sa Calamba to Lucena; Lucena to Bicol matapos na ipatigil,  basta’t aniya ang sigurado ngayon ay ang biyahe ng Naga-Legazpi vice versa, na nakadepende ang sistema ng biyahe sa demand na siguradong tatangkilin ng marami lalo na’t malaking tulong na rin sa mga traders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *