Blended learning modality, ipinatupad sa Tuguegarao City

Ipatutupad na ang blended learning modality sa mga pampublikong paaralan sa Tuguegarao City simula ngayong araw dahil sa nararanasang init ng panahon.

Ito ang napagpasyahan sa isinagawang pagpupulong ng Local School Board at Local Health Board ng lungsod.

Magsisilbi itong mitigating measure upang matiyak ang seguridad at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro sa lunsod dahil sa nararanasang mataas na heat index.

Ang magiging klase ng mga estudyante ay mula alas-syete hanggang alas-onse ng umaga habang magiging modulad o online class naman pagsapit ng hapon.

Sakop nito ang mga mag-aaral mula kinder hanggang Senior High School sa mga pampublikong paaralan kung saan magtatagal ito hanggang May 6, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *