Blended learning sa Iriga City, posibleng ibalik; F2F classes posibleng maging umaga na lamang dahil sa init ng panahon

NAGA CITY – May karapatan ang isang School Division na magpatupad ng sistema ng pag-aaral ngayong napakainit ng panahon ayon sa Department of EDUCATION.

Sa Iriga City, posible na ring ipatupad ang blended learning at umaga na lamang ang face-to-face classes.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman, matapos ibaba ang direktiba sa kanila ng pagpayag hinggil sa modipikasyon ng klase.

Katunayan may isa nang paaralan sa lungsod ang nagrequest na ng blended learning kung saan umaga na lamang ang face to face classes at pagkahapon ay online learning, karamihan kasi sa mga estudyante hindi na pumapasok pagkahapon dahil sa sobrang init ng panahon, ang iba nagkakasakit na kaya apektado ang pag-aaral.

Kung saan bago ang implentasyon ay magkakaroon muna ng konsultayon sa mga magulang nang malaman din ang mga komento o mungkahi upang walang maging problema lalo na’t kailangan din pag-aralan ang schedule ng mga klase.

Ayon pa sa opisyal caseto-to-case basis ito dahil may ilang paalaran din sa lungsod na maganda ang area bukod sa hindi gaano babad sa init presko din sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *