Blue Alert Status, ibinandera ng PSO- Naga

NAGA CITY – Blue Alert Status ngayong Semana Santa ang mga personahe ng Naga City Public Safety Office (PSO) para matiyak na 24 oras silang nakaantabay sa publiko at dahil sa sitwasyong ito, lahat ng mga personahe nila ay hindi puwedeng mag absent o mag leave sa trabaho maliban na lamang kung may emergency sa pamilya.

Ito iyong kinumpirma ni PSO Executive Director Renne Gumba sa Brigada News FM Naga bilang kanilang paghananda na rin sa inaasahan na mas maraming dadayo dahil sa mga aktibidad na rin ang mga simbahan tulad ng Linggo ng Palaspas at pagbisita sa makasaysayang mga simbahan ng lungsod.

Ayon kay Gumba, isa sa mga pinaghanda nila ay ang mga nasa rescue team, ang mga medical personnel at ang ambulansiya sakaling may aksidente o kaguluhang kailangan sila sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *