BNS, winelcome ang pag-aprub ng SP sa kanilang monthly cash incentives

 ‘Long overdue’ na! subalit ikinalugod ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan ng kanilang monthly cash incentives.

Sa sesyon ng 11th Provincial Board, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed ordinance na magbibigay ng P1, 200.00 na incentives sa mga BNS sa buong lalawigan.

Ang pinag-isipang cash incentive ay sisingilin mula sa Provl Nutrition Program na ipinapatupad ng Provl Nutrition Council para sa matagumpay na pagpapatupad ng ordinansa.

Ang BNS Program ay isang human resource development strategy ng Phil Plan of Action for Nutrition, na kinabibilangan ng recruitment, pagsasanay, deployment at pangagasiwa ng mga boluntaryong manggagawa na tinatawag na BNS.

Ipinag-utos ito ng PD No. 1569 na maglagay ng isang BNS sa bawat barangay sa bansa upang masubaybayan ang nutritional status ng mga bata at iba pang nutritionally at-risk groups at iugnay sila sa nutrition at nutrition-related service providers. Inatasan din ng nasabing Presidential Decree ang Natl Nutrition Council (NNC) na pangasiwaan ang programa sa pakikipagtulungan ng mga LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *