Board Member idineklarang Persona Non Grata ng lokal na pamahalaaan ng Irosin

SORSOGON CITY – Idineklarang persona non grata ng LGU-Irosin ang isang Board Member ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News, mayorya ng konseho sa Sangguniang Bayan ay bomoto sa naturang desisyon matapos ang nangyaring girian sa ginanap na Covid-19 information carravan sa naturang bayan nitong nakatalikod na linggo na kinasasangkutan ng nasabing board member.

Matapos maaprubahan ang naturang desisyon agad namang nagbigay ng kanyang pahayag si BM Edmundo Atutubo. Sinabi nito na tatanggapin niya ang naturang desisyon upang huwag nang lumaki ang isyu ngunit kailangan umanong malinawan ang lahat na tila hindi sila nagkaka -intindihan ng mga konsehal na imbuwelto sa akusasyon ng umanong kanyang pambabastos rito.

Nag- ugat ang isyu matapos umanong sabuyan ng Board Member ng tubig ang isang konsehal habang nasa kalagitnaan ng pagtitipon na ayon sa opisyal ay aksidente lamang.

Samantala, kinumpirma naman ng nasabuyang konsehal at ilang miyembro ng konseho na hindi pala ito ang pinaka rason kung bakit nila ginawa ang nasabing desisyon, bagkus, matagal na umano silang nagtitimpi sa nasabing opisyal dahil sa mga ginagawa nitong madalas na pambabatikos sa mga programa ng kanilang LGU na hindi na umano tama at pawang pamumulitika lamang laban sa mga elected officials ng LGU.

Mariin namang itinanggi ni Atutubo ang alegasyon at sinabi nitong ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang isang alagad ng media at elected officials na magparating ng totoong impormasyon sa publiko.

Sa huli, inaayos pa ng magkabilang panig ang gagawing pag -uusap ng konseho upang matapos na ang girian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *