BOC, nakumpiska ang nasa P16.5M na halaga ng cocaine sa NAIA

Nakumspiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P16.5 million na halaga ng cocaine, na nasa loob ng luggage ng isang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, na ang naturang operasyon ay nagresulta rin sa pagkakaaresto sa suspek na taga El Salvador, matapos makumpirma na siya ang may-ari ng luggage.

Ang suspek ay dumating mula sa Doha, Qatar, sa pamamagitan ng Qatar Airways flight QR 932 mula sa Brazil.

Sinabi ni Rubio na batay sa impormasyon na ibinigay ng kanilang foreign counterparts, inalerto ang mga examiners mula sa Arrival Operations Division at mga ahente mula sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force sa BOC NAIA laban sa naturang traveler inaasahan umano darating ng NAIA na may dalang ilegal na droga. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *