Body builder sa Australia, nakamit ang titulong pinakamaraming push-ups sa loob ng isang oras

Isang body builder kamakailan sa Australia ang nakamit ang titulong “most push-ups in 1 hour”

to ang kinumpirma ng Guinness organization kung saan, nakagawa ng umabot sa 3206 push-upsaa loob lamang ng isang oras.

Ang bodybuilder na ito ay nagngangalang Lucas Helmke ng Brisabe, Queensland na tinaatayng nakagagawa ng aabot sa 53 push-ups kada minute.

Napalitan ito ang dating may hawak ng titulo na si Daniel Scali kung saan nakapagrehistro ng 3182 na push-ups.

Subalit, bago umano naipasa ni Helmke aang kaniyang aplikasyon sa Guinnes ay inabot muna siyaa ng tatlong taon para sa kaniyang pag-eensayo.

Sa ngayon, magiging isa umano itong malaking tagumpay para sa kaniya lalo pa’t iniaalay niya ito  para sa kaniyang isang taong gulang na anak  na wala umanong imposible sa isang taong nangagarap at nagsusumikap.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *