Bomb threat na bumulabog sa Kamara – negatibo ayon sa PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na negatibo ang mga banta ng pagpapasabog sa Kamara.

Ito ay makaraang bulabugin ng bomb threat ang Batasang Pambansa complex kung saan ay isinailalim sa heightened alert ang buong compound kaninnag umaga.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo – negatibo ang bomb threat na natanggap ng ilang mga Kongresista, at iba pang miyembro, at mga empleyado sa Kamara.

Nagpasalamat naman si House Secretary General Reginald Velasco sa ginwang pagbabantay ng PNP.

Kung maaalala – ‘di na muna basta-basta pinapasok ang mga ‘di empleyado sa Kamara at mga staff ng mga Kongresista.

Ipinagbabawal na rin muna ang mga motorsiklong nakaparada sa tapat ng mga gusali matapos ma-moniutor ang ilang mga motor na umaaligid sa compound.

‘Di naman kinumpirma ni Velasco kung may kinalaman ang mga naturang bomb threat sa isinusulong na Charter change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *