Bong Go, Inday Sara, kasama sa balak i-endorso ng pangulo bilang susunod na presidente

Kasama sina Davao City Mayor Sara Duterte at Senador Bong Go sa mga personalidad na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na uupo sa kanyang posisyon. 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mayroon nang pinagpipilian ang pangulo na magiging kanyang successor pero di pa rin umano ito pabor na tatakbo ang kanyang anak bilang presidente sa susunod na halalan. 

Aniya, kasama rin sa choices ng pangulo sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Bongbong Marcos Jr.

Mababatid na nakipagkita si Mayor Sara kay BBM ngayong linggo sa Davao City. 

Hindi miyembro ng PDP-Laban si Moreno habang si Go naman ay PDP-Laban member din at dati nang aide ng presidente. 

Una nang sinabi ni House Ways and Means panel chair and PDP-Laban stalwart Joey Salceda na tatakbo si mayor Sara sa pagka-pangulo sa 2022 at nasa limang political parties umano ang willing na suportahan sya. 

Pero itinanggi naman ito ni Roque.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *