Bong Go. kinilala ang Filipino migrant workers sa Migrant Workers’ Day

Kinilala ni Sen. Bong Go ang mga Overseas Filipino workers para sa kanilang patuloy na pagsasakripisyo upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya, kasabay ng pag-obserba ng National Day of Migrant Workers.

Kaugnay nito, nangako si Go ng kanyang full commitment sa pagsusulong para sa pagpasa sa kanyang panukalang magbubuo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

“It is not easy to be alone in a foreign land and to be away from your family for a very long time. It is a showcase of unconditional love,” saad ni Go.

“Yet, I am sure those sacrifices will not be in vain as you will see the fruits of your labor through the smiles and warmth of your loved ones from here to wherever you are in the world,” dagdag nito.

Ayon sa senador, kailangan ng mga overseas Filipinos na magkaroon ng sariling departamento na tutugon sa kanilang mga pangangailangan at hinaing, at matulungan silang mapagaan ang hamon na dulot ng iba’t-ibang global crisis.

Sa parehong pagkakataon, ito rin umano ay pagkilala sa kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya at kontribusyon sa ekonomiya bilang mga modern day heroes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *