Bong Go, umapela para sa pagpapalabas sa tobacco excise tax proceeds sa tobacco-producing provinces

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ang Department of Budget and Management ng kapangyarihan na ibigay ang shares ng local government units, mula sa nakokolektang excise tax sa locally manufactured Virginia-type cigarettes para sa fiscal years 2018 at 2019.

Ayon kay Go, ang shares na natatanggap ng mga benepisyaryong LGUs mula sa tobacco excise tax ay lalong maghihikayat sa required economic activity sa agricultural sector, lalo na sa tobacco industry, sa harap ng bagong natural disasters sa tobacco-producing provinces.

“Dahil po sa mga narakaraang kalamidad, naapektuhan ang produksyon ng ating mga magsasaka, kabilang na ang mga tobacco farmers. Marami sa kanilang mga pananim ang hindi napakinabangan,” paliwang ng senador.

“Sa tulong po nito, mabibigyan natin ng suporta ang mga LGUs upang matulungan ang kanilang mga magsasaka na makabangon mula sa mga problemang kanilang kinaharap,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Section 3 ng Republic Act No. 7171 nakasaad na ang financial support na ibinibigay ng national government para sa beneficiary provinces ay madadagag at makokolekta mula sa kita ng 15% ng excise taxes sa locally manufactured Virginia type ng sigarilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *