Local News

Border control chekpoint sa Albay muling ibinalik dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID 19

LEGAZPI CITY – Ibabalik muli ng Provincial Government ng Albay ang Border Control Checkpoint dahil sa pagdami ng kaso Coronavirus disease (COVID)19.

Pirmado ni Gov. Al Francis Bichara, ang Executive Order no.1 series of 2022 na maglalagay ng mga border checkpoint ang mga pnp personnel sa Albay-Camarines Sur border Polangui, Tiwi – Sangay Coastal Road, Tabon Tabon-Sorsogon border at Pioduran-Masbate border.

Ayon pa dito tanging makakapasok sa lalawigan ay ang mayroong maipapakita na fully vaccinated card or bosster cards/DOH vaccination certificate sa mga borders ng lalawigan.

Makakapasok din naman ang lahat ng mga byahero, deliveries at iba pa kahit unvaccinated ang mga ito basta’t mayroong dalang identification card, negative antigen o RT PCR test result na balido lamang sa loob ng 48hrs.

Layunin pa rin nito ang mapigilan ang pagdami ng kaso ng naturang sakit sa lalawigan.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago