Local News

Mga alkalde sa Albay nagsagawa ng ‘virtual conference’ at tinalakay ang mga gagawing hakbang ng bawat LGUs sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa Bicol

BNFM BICOL—Bunsod ng muling pagsirit ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at maging sa loob ng rehiyon, nagpatawag ng virtual conference si Albay Governor – Al Francis Bichara sa lahat ng mga alkalde sa naturang lalawigan upang pag-usapan ang mga gagawing hakbang ng bawat LGU upang makontrol at mapigilan ang muling pagdami ng mga COVID-19 cases sa lugar.

Sa naturang pagpupulong, kasama sa mga natalakay ang tungkol sa pagkakaroon ng kontrol sa pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa partikular ang mga pamilihan, mga estbalisiyemento at maging ang paglilimita sa pagsasagawa ng mga ‘super spreader events.”

Natalakay din ang pagpapatupad ng localized granular lockdowns; pilot implementation ng ‘face to face’ learnings at ang suliranin ng ilang mga LGUs sa pagkakaroon ng mababang vaccination coverage.

Napagkasunduan rin ng mga alkalde ang tungkol sa pagpapatupad ng ‘uniform regulations’ pagdating sa travel protocols ng probinsya para sa mga biyaherong papasok at palabas ng Albay.

Sa ilalim ng naturang usapin, inatasan ang bawat LGUs na i-secure ang kanilang mga border checkpoints sa lahat ng mga biyaherong papasok at palabas ng lalawigan.

Papahintulutan naman ang mga batang edad 11-anyos pababa na makapagbyahe sa kondisyong may kasama itong guardian na ‘fully vaccinated.’

Kaugnay nito, nagpasya rin ang mga alkalde sa probinsya na tanging ang mga bakunadong indibidwal lamang ang pahihintulutang makapasok sa mga malls, restaurants at iba pang mga establisyemento.###

BNFM Bicol

Recent Posts

Gaballo bigo kontra Mexican fighter

Bigo si Reymart “Assassin” Gaballo sa kamay ng Mexican fighter na si Kenbun Torres. Napatumba…

2 hours ago

DOJ, nagbabala laban sa mga dayuhang sangkot sa human trafficking sa bansa

Nagbabala ang Department of Justice laban sa mga dayuhang sangkot sa mga iligal na pagnenegosyo…

2 hours ago

NCRPO, magpapakalat ng mahigit 20k pulis sa Sona ni Pangulong Marcos

Humigit-kumulang 22,000 libong mga pulis ang ipapakalat sa NCR para sa ikatlong State of the…

3 hours ago

Pinalayang Pinoy seaman ng Iranian Naval Authorities, nakauwi na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas ang Pinoy Seaman na crew ng MSC Aries na halos isang…

3 hours ago

33 street vendor na inireklamo sa Naga, pansamantalang ipinatigil magtinda

NAGA CITY – Pansamantalang ipinatigil magtinda, ang nasa 33 na mga street vendors sa Naga…

4 hours ago

Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at…

7 hours ago