BP campaign, idinepensa ng House leaders matapos tawaging “full of empty promises”

Masyado pa umanong maaga para batikusin at sabihing palpak ang inilunsad na Bagong Pilipinas campaign ng administrasyong Marcos.

Tugon ito ng ilang House leaders matapos igiit ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na puro pangako na walang laman ang kampanya na ikinasa ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pulong balitaan sa Kamara, binigyang-diin ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes na wala pang tatlong buwan mula nang simulan ang Bagong Pilipinas kaya hindi pa nabibigyan ng pagkakataong makita ang performance nito.

Binanggit ng mga mambabatas ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez bilang tugon sa hamon ni Marcos kung saan libu-libong indibidwal na ang nakinabang.

Sa katunayan, ibinida ni Deputy Majority Leader Janette Garin na sa kanyang distrito sa Iloilo ay maraming residente ang natulungan ng BPSF na isang one-stop service caravan para sa mga serbisyo ng gobyerno.

Dagdag pa ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, hindi naman “overnight” ang pagresolba sa mga suliranin ng bansa at ang Bagong Pilipinas ay inilunsad upang iangat ang mga Pilipino mula sa kahirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *