BPO Company nagtanim ng mga puno sa Porac at Angeles City

Nagtanim ng aabot sa isang libong mga fruit bearing trees sa Porac at Angeles City ang mga volunteers-employee ng Business Process Outsourcing o BPO Company na Scrubbed na naka base sa City of San Fernando, Pampanga.

Una dito ay nagtanim ng halos limang daang mga puno ang mga volunteers sa Angeles City Watershed sa Barangay Sapang Bato Angeles City, sunod naman tinungo ng mga volunteers ang Barangay Camias sa bayan ng Porac.

Ang aktibidad ay kasabay na rin ng ika -10 taon sa industriya ng Scrubbed na nag simula noong 2012 bilang isa sa mga outsourcing company sa Pampanga.

Nagsimula lang sa isang maliit na BPO Company ang Scrubbed na lumago na ngayon sa halos mahigit 600 na mga empleyado.

Bago nito, aktibo rin ang Scrubbed sa iba’t-ibang mga social programs lalo na nitong tumama ang pandemiya dala ng COVID-19 sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *