BPSEP 2024 Evaluation, pinaghahandaan na

KORONADAL CITY – NAGSAGAWA ng orientation ang mga kawani ng Barangay Purok Sitio Empowerment Program o BPSEP Task Force, Evaluation Committee at Secretariat sa mga opisyal ng 27 na mga barangay ng lungsod ng Koronadal.

Layunin nito na mapahayag sa kanila ang 2024 Evaluation Matrix ng bawat core areas, mapresenta ang iba’t ibang mga aktibidad na kinabibilangan ng bawat mga purok gaya ng 2024 Annual Evaluation, monthly monitoring sa roadside beautification, listahan ng 2024 BPSEP Evaluators at pagsumite ng Quarterly Fund Utilization para sa mga awardees o eligible barangays.

Dinaluhan ni City Mayor Eliordo Ogena, mga kagawad ng barangay at Barangay BPSEP incharge ang nasabing pagtitipon. Target ditto na mas mapaibayo pa ang pagtutok ng bawat mga barangay para sa aktibidad na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *