BPSEP ng Koronadal, muling pinuri ng DILG

KORONADAL CITY – MULING pinuri ni Department of the Interior and Local Government o DILG Assistant Secretary o ASec. Josephine Leysa ang ipinapatupad na Barangay, Purok and Sitio Empowerment o BPSEP. Kasabay ito sa isinagawang awarding ceremony para sa mga Purok at Sitio sa buong lungsod ng Koronadal.

Ayon kay Leysa, na sa pamamagitan ng hakbang na ito, rarami ang mga investors sa lungsod at isa rin umano ito sa mga ingrediente upang maabot ang Seal of Good Local Governance o SGLG. Binigyang-diin din ni City Mayor Atty. Eliordo U. Ogena na ang pinakalayunin ng nasabing programa ay mabuhay at mapaibayo pa ang sistema ng “Bayanihan” sa 27 na mga barangay at dapat umano na magtulungan na maiangat ang lahat na mga barangay. Hinahamon din ni City Vice Mayor Erlinda Araquil ang 27 na mga barangay at inihayag na kanilang aasahan na sa susunod na BPSEP mas dadami pa ang mga barangay na aakyat sa stage upang kumuha ng kanilang mga awards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *