Brazil pursigidong maging host ng Copa America tournament

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, nanindigan si Brazilian President Jair Bolsonaro na gusto pa rin niya maging host ang kanilang bansa sa Copa America tournament.

Sinabi ni Bolsonaro na nalulungkot siya sa mga namatay sa COVID-19 pero kailangan aniyang mabuhay ang lahat kasabay ng paninindigan na itutuloy ang hosting sa Copa America.

Una nang nakatakda sana ang Copa America tournament sa Argentina pero kinailangan itong ilipat dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 kung saan umaabot sa 30,000 average sa bawat araw

Hindi naman naiwasan na kuwestiyunin ng ilang kung bakit sa Brazil ito inilipat dahil sa mataas din na COVID-19 cases.

Pinasalamatan naman ng South America’s Football Confederation na CONMEBOL ang Brazil dahil sa pagtanggap nito sa torneyo

Nakatakdang ganapin ang torneyo sa susunod na dalawang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *