BREAKING: Duterte nabakunahan na ng China’s Sinopharm vaccine

Nabakunahan na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19, gamit ang China’s Sinopharm.

Kaugnay nito, si Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna kay Duterte

“I feel good and I have been expecting this shot, vaccination a long time ago,” saad ng pangulo matapos matanggap ang jab.

Ayon sa pangulo, natagalan ang kanyang doktor na gumawa ng assessment, bago mapili ang Sinopharm bilang appropriate vaccine para sa kanya.

Mababatid na ang naturang bakuna ay walang pang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA). // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.