Breastfeeding tanging interbensyong maibibigay sa mga bagong silang na sanggol na undernourished—PNC Sorsogon

SORSOGON CITY—Binigyang-diin ni Sorsogon Provincial Nutrition Council head Grace Jardin na napakahalaga ng gatas ng ina o ang pag breast feed sa mga bagong panganak na sanggol hanggang anim na buwang gulang.

Ito’y dahil bukod sa mga pre-schoolers at mga school children ay mayroon ding mga sanggol na bagong silang pa lamang subalit nakokonsidera na bilang underweight o under nourished.

Anya, ito umano ang mga batang low birthweight o ipinanganak na mababa sa 2.5 kilos ang timbang.

Binanggit ng opisyal na sa ganitong mga pagkakataon ay wala silang ibang interbensyong inirerekomenda kundi ang breast feeding kung kaya lubhang mahalaga ang gatas ng ina.

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang mga bagong panganak na ina na i-breast feed ang kanilang mga anak kasabay ng pagtitiyak sa mga hindi makapag-breast feed na mayroong mga paraang maaaring gawin ang mga ito upang makapagpadede.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *