Brgy. Bagumbayan Sur unang benepisyaryo ng 22 days free medical mission ng AKO Bicol at LGU Naga; mahigit 300 pasyente naserbisyuhan

NAGA CITY – Mahigit 300 pasyente sa Barangay Bagumbayan Sur, Naga City, ang naserbisyuhan ng Free Medical Mission ng AKO Bicol at Lokal na Pamahalaan ng Naga, na ginagawa sa Queburac Covered Court.

Kung saan sa dalawampot-dalawang araw na gagawin sa lahat ng barangay sa lungsod, unang benepisyaryo ang naturang barangay.

Ayon kay Sally Luces, Program Coordinator, ito ay sa pamamagitan ng MAIP o Medical Assistance to Indigent Patient na idinadown load ng Department of Health sa mga LGUs, na nirerequest sa mga Congresista kagaya ng kahilingan ngayon ni Mayor Son Legacion, katuwang at suportado ng AKO Bicol.

Maliban sa may consultation, dental services, check-up, pagbibigay ng libreng gamot, naka-standby din ang mobile health clinic, para sa mga laboratories tulad ng ECG, x-ray, ultrasound, at minor surgical operation kung kinakailangan.

Sa panayam naman kay City Administrator Elmer Baldemoro, ipinadadala nila ang ilan sa kanilang medical personnel bilang katuwang. Inaabisuhan na rin ang mga taga ibang barangay pa, na hintayin na lamang ang iba pang anunsiy, kung saan kasalukuyang nasa Barangay Abella ngayon, sa Abella Covered Court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *