Bride, hindi sumama sa kanyang groom pagkatapos ng kanilang kasal

Isang tradisyon sa bagong kasal ang pagsama ng bride sa kanyang asawa sa lugar o tahanan nito pakatapos ng kasal.

Subalit sa unang pagkakataon, isang bride sa Visayas ang hindi sumama sa kanyang groom pakatapos ng kanilang kasal.

Ayon sa groom, umalis siya dahil nag-away sila ng kanyang asawa na umano ay ayaw nitong sumama sa kanya pauwi sa kaniyang lugar.

Dagdag niya pa na ayaw raw kasing iwanan ng kanyang asawa ang ina nito.

Samantala, ang kanyang sinabi ay salungat sa sinabi ng bride. Paliwanag ng bride na sasama naman daw siya umano sa groom, subalit pakiusap niya muna rito na asikasuhin muna ang mga bisita at ang iba pang kamag-anak bago umalis.

Kaya’t laking gulat daw niya ng mapag alamang wala na ang kanyang asawa at ito ay umalis ng wala daw paalam. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *