Bride sa Bicol, tumigil sa pagsayaw ng “money dance” para mag receive ng “parcel” sa mismong araw ng kanyang kasal

WALANG sumigaw sa simbahan ng “itigil ang kasal” ngunit may dumating na delivery rider para ihatid ang parcel ni bride mula sa isang online shopping application app.

Iyan ang kakatuwang kwento na nangyari sa mismong kasal ng bride at newlywed na si Loren Barrios Tayomora mula sa Bicol.

Kinaaliwan ng mga netizens, online ang nag viral na post ng naturang bride matapos nitong ibahagi sa social media ang pagtigil niya sa pagsayaw ng “pantomina” (isang tradisyonal na sayaw ng bagong kasal sa Bicol) para lamang kunin ang kanyang parcel.

Ayon sa caption ni Loren, hindi niya akalain na darating ang kanyang parcel sa mismong araw ng kanyang kasal, dahil wala naman siyang na receive na text message mula sa courier.

Nabalot naman umano ng halakhakan ang mga bisita dahil sa nakakat’wang pangyayari lalo at hindi pangkaraniwan na may darating na parcel sa mismong araw ng kasal ng isang tao.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *