“Briefer” ng DOJ kay PBBM tungkol sa muling pagsapi ng bansa sa ICC, patunay umano na hindi sarado ang isip ng Malacañang

Hindi magiging imposibleng bumalik ang Pilipinas sa Rome Statute ilang taon matapos pangunahan ng administrasyong Duterte ang pagkalas dito.

Ito ang pananaw ng ilang leader sa Kamara matapos ianunsyo ng Department of Justice na maglalatag sila ng briefer kay Pangulong Bongbong Marcos para sa options kung maglalabas ng warrant ang International Criminal Court laban sa mga Pilipino.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni House Deputy Majority Leader at TINGOG Party-list Representative Jude Acidre na nangangahulugan ito na hindi sarado ang isip ng Malacanang at nakikinig sa magkakaibang opinyon ukol sa partisipasyon ng bansa sa ICC.

Makikita rin aniya dito na kumikilos nang may pag-iingat ang gobyerno at dumadaan sa proseso.

Paliwanag ni Acidre, bilang isang bansa na tumatalima sa rules-based international order ay mahalagang makasama ang Pilipinas sa mga struktura tulad ng ICC.

Naniniwala rin si Manila Representative Ernesto Dionisio Jr. na sa gagawing “legal brief” ng DOJ kay Pangulong Marcos ay makikita ang mga merito na pagbabasehan ng desisyon nito.

Kung tutuusin umano ay wala namang dapat ikatakot sa ICC kung wala namang itinatago.

Bagama’t nasa tamang posisyon ang administrasyon para magpasya, titimbangin naman ng Kongreso ang magiging implikasyon ng muling pagsapi at kung ano ang magiging proseso lalo’t Senado ang naatasang magratipika rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *