Brigada News FM Naga , binigyan ng pagkilala ng DSWD 5

Binigyan ng pagkilala ng Department of Social Welfare and Development  Regional Office 5 ang mga natatanging indibidwal, lokal na pamahalaan , mga ahensya at mga katuwang  sa kanilang mga programa na naglalayong maiangat ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino at makatulong sa panahong kinakailangan.

Kasama sa mga ginawaran ng parangal ang 103.1 Brigada News FM Naga City bilang isa sa mga himpilang nakakatuwang ng DSWD sa kanilang mahahalagang impormasyon at programa. Sa individual awards kinilala rin si KaBrigada Janessa Savilla.

Ginawa ang awarding ceremony sa isang Hotel sa Legazpi City sa Albay kahapon kasabay ng ika-73 anibersaryo ng Kagawaran.

Pinasalamatan ni Regional Director Normal Laurio, ang lahat  lalo na ang mga empleyado ng DSWD sa mga sakrispisyo sa paghatid ng serbisyo sa bawat sulok ng rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *