British pop singer Engelbert Humperdinck, mag co-concert sa Naga  City ngayong gabi

NAGA CITY –Handang handa na ang JMR Coliseum sa Naga City para sa gaganaping live concert ng British pop singer Engelbert Humperdinck, ang tinaguriang King of Romance, mamayang alas-7 ng gabi.

Sa pamamagitan ni Eleonor Zuniga Montemayor, na siyang in-charge sa security, sinabi niyang  nagkaroon na sila ng pag inspection sa magiging venue, katuwang ang mga personahe ng Philippine National Police at ang City Disaster Risk Reduction Management Office.  

Halos isang linggo silang naging abala sa paghahanda, para matiyak ang seguridad ng lahat ng mga manonood.

Ayon kay Delicia Alfelor Tibi , promoter ng concert malaking oportunidad ito sa lahat ng mga tagahanga ni Humperdinck na makikita nilang kumakanta ito ng live sa harapan nila.

Magastos aniya, subalit naniniwala siyang magiging matagumpay ang konsiyerto.

Humarap naman sa isang press conference si Humperdinck at masaya itong nakipag kuwentuhan at sinagot isa-isa ang tanong ng media, kabilang na ang Brigada News FM Naga.

Si Arnold George Dorsey  o kilala sa  “Engelbert Humperdinck” ay 87 taong gulang na sa ngayon.

Kabilang sa mga immortal songs niya ang Release Me; Quando,Quando,Quando; Love Me With All of Your Heart; les Bicyclettes de belzise at marami pang iba.                      

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *