Dumalo ang baguhang Senador na si Rafy Tulfo para sa kanyang legislative briefing sa Senado.
Ito ay bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pag-upo niya bilang isang ganap na Senador kung saan ay tinalakay ang mga batas sa Senado at iba pang mga hakbang sa pagbalangkas ng batas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ti-nour ito ni Deputy Senate secretary for legislation Atty. Edwin Bellen sa mga opisina at pasilidad sa Senado.
Unang napaulat na pamumunuan ni Tulfo ang Senate Committee on Energy.
Sa isang pulong balitaan bago ang kanyang briefing, sinabi ni Tulfo na bumuo siya ng team ng mga eksperto para makatulong sa kanya na matugunan ang tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Pag-aaralan din umano nilang maigi ang usapin sa suspension ng excise tax sa fuel.
Susuriin din aniya nito ang iba pang problema sa energy sector kagaya na lamang ng palagiang brownout sa ilang mga lugar at ang mataas na singil sa kuryente.
Sa huli, kinumpirma ni Tulfo na nag-offer ang kasalukuyang chairman ng energy committee na si Senador Win Gatchalian para maging kanyang chairman.
Sa ngayon aniya, nag-take siya ng 2-week crash course sa UP National College of Public Administration and Governance.
#
LEGAZPI CITY – Ngunyan na an ultimong aldaw kan training sa Abaca Production and Basic…
LEGAZPI CITY – Pormal nang inilunsar an pinakaenot na One Town, One Product (OTOP) Nook…
NAGA CITY - Nananatiling epektibo para sa mga mag-aaral ng Del Rosario Elementary School sa…
LEGAZPI CITY - Kanselado na muna ang isasagawang Simultaneous National Road Clearing Operation sa mga…
Wala na natabang pa ug nakutloan sa iyang kinabuhi ang usa ka siklista human giingong…
Dakop sa akto ang lima ka indibidwal nga nagapatigayon sang illegal gambing nga ginatawag “Cara…