Luzon

Imbestigasyon sa pananakit ng riders sa kabataan sa Roxas, ‘Bias’ –  magulang

Masama ang loob ng isang magulang ng limang kabataan na sinaktan ng riders sa Barangay Tinitian Roxas Palawan noong nakalipas na Biyernes.

Ayon kay ginoong Armando Abrea, sinabi raw sa kanya ng Acting Chief of Police ng Roxas PNP na hindi siya maka-intindi sa pangyayari matapos magharap sa police station.

Iginiit umano ng opisyal sa kanya na turista ang inireklamo ng mga magulang at sinabi pa umano ni Valdez sa kanya na maaari ganoon din ang gawin nila kung sila ang nagkataong nabasa ng tubig.

Para kay ginoong Armando, hindi naging patas ang pulisya sa pag-iimbestiga sa kaso kaya nais nilang sa CIDG na lamang sampahan ng kaso ang mga nanakit na riders.

Samantala, agad na dumipensa si Acting Chief of Police PMAJ. CARLITO VALDEZ sa alegasyon na may pinaboran itong panig sa imbesigasyon ng pananakit sa mga bata sa Barangay Tinitian.

Iginiit niya sa Tira Brigada na naging  ‘patas’ ang pagtingin nila sa kaso at hindi niya raw inimpluwesyahan ang mga desisyon ng mga magulang ng mga batang nasaktan.

Nag-usap aniya sila ni ginoong Armando sa harap ng iba pang magulang.

Agad rin na hinanap ang mga inireklamong rider at hinarap sa mga magulang pero hindi niya raw kilala ang mga ito na mga hindi taga- Palawan.

Sa kabilang banda, sinabi ni Major Valdez na paiba- iba ang statement ng mga bata sa pangyayari bago mangyari ang umano’y pananakit.

Kaugnay nito, welcome sa Roxas PNP kung sa CIDG Palawan magsasampa ng reklamo sa riders ang mga magulang  kung nawalan ito ng tiwala sa PNP Roxas

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago