Brown plant hopper at rice black bug namomonitor na kaugnay ng mainit na panahon; DA Bicol may mga biocontrol agents

CAMARINES SUR- Namomonitor na ng Regional Crops Protection Center na lumalabas na ang brown plant hopper at rice black bug sa Bicol Region; mga pesteng madalas makita kung mainit ang panahon.

Ito ang impormasyong nakuha ng Brigada News FM Naga kay Department of Agriculture Bicol Spokesperson Love Guarin.  Kaugnay nito may mga ginagawang biocontrol agents ang DA Bicol upang malabanan ang mga peste sa tanim. Hindi aniya singbilis ng mga nabibiling pang spray pesticides kung pumatay ng insekto pero environment friendly ito ayon pa sa DA Spokesperson. Makakatulong din aniya kung maraming kasabay mag tanim o synchronous planting upang hindi manatili sa iisang lugar ang peste. 

Samantala, sa kabila ng kaliwa’t-kanang paghahanda ng DA sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon, 8-to-9 out of 10 pa palang ang kahandaan ng DA dahil hindi pa dumarating ang ilang mga gamit at pasilidad halimbawa ng mga kailangan sa solar powered irrigation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *