BRP Gabriela Silang ng PCG, magsasagawa ng two-week mission sa Batanes at Benham Rise simula ngayon

Magsasagawa ng two-week mission sa Batanes at Benham Rise ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard.

Magsisimula ang misyon ng barko simula ngayong araw.

Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Armando Balilo, ang nasabing sasakyang pandagat ay magpapatrolya sa vicinity waters ng mga nabanggit na lugar upang magsagawa ng maritime domain awareness, paigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at i-monitor ang ating mga mangingisda.

Aalamin din ng PCG kung nasa bisinidad pa ng Benham rise ang napaulat na mga Chinese research vessels.

Samantala, naka-standby din ang mga air assets ng Coast Guard Aviation Force para sa posibleng augmentation, partikular sa pagsasagawa ng aerial surveillance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *