Bruce Willis, magreretiro na dahil sa sakit na ‘aphasia’

Magreretiro na sa paggawa ng pelikula ang Hollywood actor na si Bruce Willis, na kilala sa mga action movie tulad ng “Die Hard” franchise, matapos na matuklasan na mayroon siyang “aphasia.”

Sa ulat ng Reuters, sinabi ng pamilya ni Bruce na ang aphasia ay nakakaapekto sa “cognitive abilities.”

Ayon kay Brenda Rapp, propesor ng cognitive science sa Johns Hopkins University, na sng aphasia ay disorder na bunga ng madalas na stroke, at maaari ding dulot ng head trauma o mula sa neurological disease.

Kabilang umano sa sintomas nito ay nakakaapekto sa pagsasalita, pag-unawa at pagbasa, bagama’t may pagkakataon umano na maaaring magamot ang aphasia sa pamamagitan ng speech therapy.

Nabatid na nasa 100 pelikula na ang nagawa ni Bruce sa apat na dekada niya sa showbiz, kung saan maliban sa “Die Hard” movies na ipinalabas mula 1988 hanggang 2013, bumida rin siya sa mga “Pulp Fiction,” “Tears of the Sun,” at “The Sixth Sense.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *