Brutal na pamamaslang sa isang aso sa Bato, Camarines Sur, kinundena ng netizens; Responsible pet ownership, panawagan ng Naga City Veterinary Office

NAGA CITY –  Naging mainit na usapin sa social media ang brutal na pamamaslang sa  tatlong taong gulang na golden retriever sa bayan ng Bato, Camarines Sur, matapos itong habulin, pinagpapalo at isinilid sa sako ng isang umano’y biktima ng pananakmal nito.

Iba’t-iba ang saluobin ng netizens kabilang na ang kontra at pabor sa ginawa ng lalaki, habang malaking porsyento nito ang nagpahayag ng pagkundena sa nangyari at panawagan na panagutin ang may gawa nito.

Sa bayan ng Nabua naman, sa ibinahaging post ni Jenny Rose Gamban,  labis rin ang kanyang pangungulila at galit makalipas na maabutan nilang wala ng buhay ang kanilang alagang aso sa loob ng kanilang CR, matapos umanong pagpupukpukin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kaugnay nito nagpaalala naman si Dra. Marilee Lingua ng Naga City Veterinary Office tungkol sa pagiging responsableng pet owner o fur parent partikular na sa pagtitiyak ng seguridad ng mga alaga upang hindi makalabas ng bahay.

Ayon pa sa opisina, may mga pagkakataon na kapag nakakalabas ang mga alagang hayop ay normal lamang na iba ang magiging asal nito kumpara sa kung ano ito sa loob ng bahay kung saan limitado ang kanyang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *