BSK candidates sa Maynila, baklasin na ang mga posters – Manila LGU

Nanawagan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa lahat ng mga kumandidato sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nanalo man o natalo ay tanggalin o baklasin na ang kanilang campaign posters.

Binigyan ng hanggang limang araw ang lahat ng mga kumandidato na alisin ang kanilang election propaganda alinsunod sa Commission on Elections (Comelec) resolution No.10924 Sec. 256.

Panawagan ng Manila LGU, maging responsable ang mga ito sa pag-alis, paglinis, at pag-dispose ng kanilang posters upang mapanatili ang kalinisan sa lugar.

Una nang nagbabala si Comelec Chairman George Garcia na maaaring magkaroon ng implikasyon ang hindi pagsunod ng mga kumandidato sa susunod nilang pagtakbo kung hindi tatalima sa patakaran ng poll body.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *