BSKE sa lalawigan ng Sorsogon, generally peaceful

Naging matiwasay sa kabuuan ang idinaos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa lalawigan ng Sorsogon kahapon.

Sa nakuhang impomasyon ng Brigada News, walang nairehistrong anumang aberya o insidente ng kaguluhan na may kaugnay sa halalan.

Tanging naging hadlang ay ang malakas na buhos ng ulan kung saan halos karamihan ng mga botante ay bandang alas 10:00 na ng umaga nagsipunta o dumagsa sa mga voting precinct para bumoto.

Mababatid na ang malakas na pag-ulan ay nagsimula pa noong Linggo ng gabi hanggang sa mismong araw ng botohan  na naging dahilan naman kung kaya kaunting mga botante lamang ang maagang nagpunta sa mga presinto para bumoto.

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang i-exercise pa rin ng mga botante ang kanilang karapatang bumoto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *